WALANG DAPAT IKABAHALA SA 2019 MIDTERM ELECTIONS AYON SA COMELEC

Walang dapat ipangamba ang publiko para sa 2019 midterm elections .Ito ang sagot ng Commission on Elections o Comelec sa panukala ni Bayan Muna Party-list Representative Isagani Zarate na ibalik sa mano-mano ang botohan at bilangan ng boto dahil sa kawalan umano ng kredibilidad ng automated election.Giniit ni Comelec Spokesman James Jimenez na Comelec ang bahala sa bilangan ng boto ng mga botante dahil nabili na ng ahensya ang mga vote-counting machines.Nanindigan si Jimenez na lahat ng teknolohiya na ginamit ng Smartmatic sa mga nakaraang automated elections ay hawak na ng Comelec kung kaya’t maliit lamang ang tiyansa na mapakilaman ng naturang kumpanya ang isasagawang halalan sa bansa.

Loading...

No comments:

Theme images by sndr. Powered by Blogger.